Friday , November 15 2024
Makeshift drug den sinalakay 4 MAGKAKAPAMILYANG TULAK NADAKMA

Makeshift drug den sinalakay
4 MAGKAKAPAMILYANG TULAK NADAKMA

BINAKLAS ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS ang isang makeshift drug den kasunod ng kanilang ikinasang buybust operation sa Brgy. Kaypian, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 16 Agosto.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Bryan Cordova, 33 anyos, ang drug den maintainer;  Glayza Cordova, 33 anyos; Jon Jon Biasora, 34 anyos; at Raymark Biasora, 29 anyos, pawang mga residente ng Phase 4A, Palmera, Brgy. Kaypian, sa nabanggit na lungsod.

Narekober mula sa mga suspek ang limang selyadong pakete ng plastic ng hinihinalang shabu na may timbang na 13 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P65,000; sari-saring drug paraphernalia; at buybust money.

Napag-alamang ang mga arestadong suspek ay magkakapamilya at ginawang hanapbuhay ang pagtutulak at pagpapakalat ng shabu sa naturang lugar.

Inahahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) na isasampa laban sa mga suspek sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …