IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap na 121st Police Service Anniversary sa NCRPO Hinirang Hall, Taguig City, nitong nakaraang Martes, 9 Agosto.
Ang naturang parangal ay ibinatay sa naging performance ng Las Piñas dahil sa pagkakaroon ng pinakamababang antas ng krimen at may pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek na sinampahan ng kaukulang kaso.
Personal na tinanggap ni Las Piñas City police station chief, Col. Jaime Santos, ang nasabing Safety City Award.
Pinasalamatan ni Col. Santos sina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, kasama ang mga konsehal ng lungsod at mga Chairman ng 20 barangays. (GINA GARCIA)