Monday , May 5 2025
MMDA, NCR, Metro Manila

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa mga school zone at mga lansangan malapit sa eskuwelahan sa Metro Manila.

Katuwang ng Department of Education (DepEd) ang MMDA para matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga, tuloy-tuloy din ang kanilang pagpipinta sa mga pedestrian lane ganoon din ang paglalagay ng traffic at road signs para sa kaligtasan ng mga mag aaral.

Sa muling pagbubukas ng klase sa Lunes, 22 Agosto, inaasahang mas darami pa ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Dahil dito, ipatutupad ng MMDA simula ngayong araw ang expanded number coding scheme sa rush hour ng umaga simula 7:00 hanggang 10:00 am, at ang dating oras na 5:00 pm hanggang 8:00 pm. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …