Tuesday , December 24 2024
Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama ang CAVITEX infrastructure Corporation (CIC) na lalong bibilis ang biyahe mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) na bukas na bukas na simula kahapon, 14 Agosto, sa mga motorista — ang CAVITEX C5 Link Flyover Extension.

Dakong 6:00 am ng Linggo, 14 Agosto, ay maaari nang daanan ang bagong 1.6 kilometer segment ng CAVITEX C5 Link na kokonekta sa 2.2-kilometer flyover para mapabilis ang biyahe ng mga motorista.

Bunsod nito, ang CAVITEX C5 Link, may distansiyang nasa 7.7 kilometro at kokonekta sa CAVITEX R1 Parañaque toll plaza, ay mapaiikli na ang oras ng biyahe mula CAVITEX patungong Makati, Taguig, at Pasay sa loob ng 30 hanggang 45 minuto.

Sa opening ceremony na ginanap nitong 13 Agosto, Sabado, dumalo sina Metro Pacific Investments Corp. Chairman Manny V. Pangilinan, Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, MPTC President at CEO Rodrigo E. Franco, at MPT South President at General Manager, Mr. Raul L. Ignacio at Metro Pacific Investments Corporation Head ng Government Relations at Public Affairs at Head ng MVP Group Media Bureau, Atty. Mike Toledo.

Kabilang sina Senator Mark Villar, Congressman Edwin Olivarez, Mayor Eric Olivarez, Mayor Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay City, mga representate ng

iba’t ibang government agencies at mga miyembro ng komunidad sa mga nagsipagdalo.

Kasabay nito, magpapatupad ng bagong traffic scheme ang CIC para sa mga motoristang papasok at lalabas ng expressway sa Merville.

Ang mga sasakyang manggagaling ng Parañaque papuntang Taguig gamit ang CAVITEX C5 Link Flyover ay kailangan nang pumasok sa bagong Merville Entry na matatagpuan sa harap ng Shell C5 Southlink, Brgy. Moonwalk, Parañaque.

“Inaasahang nasa mahigit 15,000 motorista mula Taguig patungong Parañaque ang magbebenepisyo sa bagong segment ng CAVITEX C5 Link. Hinihikayat ang mga motorista na gumamit ng Easytrip RFID sa pagdaan sa nasabing expressway para maiwasan ang mahabang pila sa cash lane at mapaikli ang kanilang oras ng biyahe,” ani Ignacio.

Hinihikayat ng CIC ang mga motorista na samantalahin ang libreng Easytrip RFID

installation at check-up sa CAVITEX C5 Link Customer Service Center at kailangan lamang magbayad ng P200 para sa initial load ng bagong Easytrip account.

Bagamat iginawad na sa CIC ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll fee para sa bago nitong segment (P37 sa Class 1; P74 sa Class 2; at P112.00 sa Class 3, ito ay ipagpapaliban muna hanggang sa Setyembre upang makatulong sa mga motorista.

Bukod sa CAVITEX at CAVITEX C5 Link Expressway, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …