Friday , November 15 2024
P500 500 Pesos

Kelot timbog sa pekeng P500 bills

HINDI na nakalusot ang isang 31-anyos na lalaki sa ikalawang pagtatangka na magbayad ng pekeng pera, sa pagbili ng pagkain, sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati City police chief, P/Col. Harold Depositar ang suspek na si Thom Jerome Pinzon,  residente sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong 7:20 pm nitong Sabado, 13 Agosto, nang arestohin ang suspek sa Daily Knead Store na matatapuan sa Power Plant Mall, Poblacion, Makati City nang bumili ng isang truffle cheese croissant na nagkakahalaga ng P400.

Matapos umanong magbayad ng P500 sa kahera na si Hervy Maurene Garcenila, napansin na kakaiba ang kilos nito kaya inireport sa security guard na si Bernardo Lopez at nadiskubreng sa kalapit na Krispy Kreme store, na ang perang ipinambayad sa Daily Knead Store na P500 bill, may serial number RM225807, ay hindi lumusot sa kanila nang tangkaing ipambayad.

Nalaman sa ultra violet light na peke ang pera.

Pinigil sa Poblacion Sub-Station ang suspek para sa ihahaing paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and use of False Treasury or Bank Notes).

Nanawagan ang Makati City Police sa publiko hinggil sa pagpapakalat ng mga pekeng pera sa lungsod. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …