Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli Alex Gonzaga

Matteo Guidicelli inasar ni Alex Gonzaga

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PABIRONG inasar ni Alex Gonzaga ang Tropang LOL co-host niyang si Matteo Guidicelli na panoorin ang bagong sitcom ng TV5 na Oh My Korona na pinagbibidahan ng ex-girlfriend nitong si Maja Salvador

Paulit-ulit itong sinabi ni Alex na panoorin ni Matteo ang show ni Maja noong guesting ni Thou Reyes sa Tropang LOL “Maritest” Segment. Si Thou ay kasama sa cast ng Oh My Korona na mapapanood tuwing Sabado, 7:30 p.m. sa TV5 at Cignal Play.

Matteo, manood ka niyan ah! ‘Oh My Korona,’” ani Alex. 

Dinagdagan pa ni Alex ang pang-aasar kay Matteo nang sabihing ang paboritong pagkain ng aktor ay maja blanca tapos inaya pang batiin ang Dabarkads sa Eat Bulaga na co-host si Maja. 

Binalikan naman ni Matteo ang pang-aasar ni Alex sa pamamagitan ng pag-greet kay Kean Cipriano, na ex naman ng aktres. 

Bago pa man matapos ang show, humirit pa si Alex ng, “Bago tayo magtapos, gusto munang mag-‘Twerk it Like Miley’ ni Matteo.” Eh ito ang isa sa mga kilalang dance step na ginawa ni Maja dati.

Masaya naman na sina Matteo at Maja sa kani-kanilang mga love life dahil kasal na si Matteo kay Sarah Geronimo habang si Maja ay engaged na sa executive-in-charge ng production sa Oh My Korona na si Rambo Nunez Ortega

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …