Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Janine Gutierrez Sleep With Me

Janine natorpe, kinilig kay Lovi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI issue kina Lovi Poe at Janine Gutierrez ang relasyong same sex pero nilinaw nilang wala pa o hindi pa nila kapwa nae-experience iyon.

Sa media conference ng bago nilang original iWantTFC series, na GL o Girl’s Love series na “Sleep With Me natanong ang dalawa kung niligawan na ba sila ng tomboy.

Anila hindi pa at nilinaw na walang masama ang pakikipagrelasyon sa lesbian.

I don’t think there’s anything wrong with that. I mean if you like someone, you like someone you know. Love is love. You don’t have to categorize it,” giit ni Lovi.

Sinabi pa ni Lovi na kung masaya at kuntento sa isang relationship, “Good for you… at the end of the day kung ang taong iyon ang nag-angat sa iyo, nagpapasaya sa iyo.

“You know it’s not toxic relationship, you become a better person because of your partner, then that’s the person,” sabi pa ni Lovi.

Sinabi naman  ni Janine, na matapos nilang gawin ang Sleep With Me napatunayan nila na pare-pareho lang ang pakikipagrelasyon kahit pa sa mga LGBTQIA+ members dahil ang mahalaga ay ang pagmamahal at respeto.

Samantala, nakatutuwa ang ginawang pag-amin ni Janine na “natorpe” siya kay noong nasa shooting sila ng Sleep With Me.

May regalo kasing binili si Janine para sa birthday ni Lovi. Isa iyong merchandise mula sa  favorite TV show ng dalaga. Pero nahihiya si Janine na ibigay kay Lovi noong mismong birthday nito.

Nag-birthday siya noong lock-in, I ordered her a gift na Friends merch because I know love niya ‘yung Friends. Pero parang natotorpe ako na I don’t know how to give it to her like, ‘Shocks, I’m shy!’” tawa nang tawang pagbabahagi ni Janine.

Sobra namang natuwa si Lovi nang matanggap ang birthday gift ni Janine at aminadong kinilig siya sa iniregalo ng dalaga ni Lotlot de Leon.

Sa kabilang banda, inaabangan na ng mga manonood ang kakaibang kuwento ng dalawang babaeng nagmamahalan sa Sleep with Me ng iWantTFC.

Ito’y matapos ang matagumpay na world premiere ng serye sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles noong Hulyo 19, na nanalo ng Audience Award for Best Episodic at sold out din ang tickets para sa premiere na dinaluhan nina Lovi at ng direktor ng serye na si Samantha Lee.

Ang Sleep with Me ay ukol kay Harry (Janine), isang naka-wheelchair na late-night radio DJ at eksperto sa love advice, at kay Luna (Lovi), isang babaeng may sleep disorder na hindi nakatutulog tuwing gabi.

Bukod sa nakakikilig na relasyon nina Harry at Luna, bibigyang-diin din ng serye ang mga social injustice na nararanasan ng mga taong may kapansanan at ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” paliwag ni direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang Baka Bukas at Billie and Emma.

Mapapanood nang libre ang anim na episodes ng Sleep with Me sa Agosto 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …