Sunday , May 11 2025
Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja at Joey pinuri ng Oh My Korona director

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

EXCITED na ang director ng Oh My Korona na si Ricky Victoria dahil mapapanood na ang sitcom sa TV5simula sa Agosto 6, 2022.

Proud si Direk Ricky sa kanyang magagaling na cast members na pinangungunahan nina Maja Salvador at Joey Marquez kasama sina RK Bagatsing, Kakai Bautista, Pooh, Christine Samson, Jai Agpangan, Queenay Mercado, Guel Espina, Jesse Salvador, at Thou Reyes.

Naka-chat namin si Direk Ricky sa Messenger at tinanong kung kumusta naman bilang komedyante si Maja lalo na at first time nitong mag-sitcom. Mas kilala kasi bilang drama actress si Maja.

Alam ko na magaling siyang umarte. Versatile. Nag-guest na siya dati sa ‘Banana Split’ (dating ABS-CBN gag show na naging writer si Direk Ricky) kaya alam kong kaya niya. May kulit sa katawan. Kaya madaling naka-adjust sa sitcom. At saka matalino. Naiintindihan ang takbo ng kuwento at aral ang character niya at ng lahat. Kaya naaarte niya nang tama,” papuri ni Direk Ricky kay Maja.

Natutuwa rin si Direk Ricky na napabilang si Tsong Joey sa cast lalo na nga ito ang pagbabalik ng aktor sa comedy at sitcom.

Gigil si Tsong,” bulalas ni Direk Ricky. “Parang naipon ‘yung mga punchline niya. Kaya kada take may karga. May suggestions pa sa mga gag sa eksena. Masaya siya at masaya kami.”

Tungkol saan ba ang Oh My Korona (OMK) at bakit ito dapat panoorin ng mga tao?

Showbiz ang tatakbuhang mundo ng OMK. Ang mga character kasi nito ay ‘yung mga laman na ng showbiz. Mga nababasa at napapanood sa mga showbiz news. Kaya pamilyar ang tao sa kanila. Aminin na natin, ‘pag news, mas nauuna pa nating alamin ano ang latest sa showbiz kaysa politics. O kaya comics. Doon agad tayo sa entertainment. Kaya naisip namin itong ‘OMK,’ dahil ito ang gusto ng masa, entertainment. Kaya nag-click ang TikTok kasi entertaining. Ang ‘OMK,’ tungkol kay Lablab, played by Maja, na anak ng beauty queen turned artista, na pinamanahan ng boarding house na puno ng mga nag-aartistang boarders. Ang manager na si Louie played by Joey Marquez, ay naka-discover kay Lablab, at kinukumbinse itong mag-artista. Kaso hate nito ang showbiz gawa ng nasira ang buhay nilang mag-ina dahil sa amang taga-showbiz na ‘di sila pinanagutan. Pero bukod diyan, may mga kuwento ng boarders na gustong sumikat. Kaya mata-tackle ang mga isyu ng showbiz na laman ng tabloid. Showbiz man ang ginagalawan nila, ang bawat kuwento nila ay sumasalamin naman sa buhay ng masang Filipino. Dapat panoorin ang ‘OMK’ dahil masaya siya. Maaaliw ka. ‘Di man siya ginawa para magturo ng leksiyon, may matututunan ka pa rin, lalo na’t lahat naman tayo may pangarap gaya ng mga karakter sa ‘OMK,’l mahabang salaysay ni Direk Ricky.

Hatid ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona ay mapapanood sa TV5 tuwing Sabado, 7:30p.m., simula sa Agosto 6, 2022.

About Glen Sibonga

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …