Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. Richard Gomez sa kanilang unica hija ni Ormoc Mayor Lucy Torres kay Juliana.

Nasabi ito ni Richar dahil sa kanya nagtatrabaho at katu-katulong niya si Juliana sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa.

Sa pakikipaghuntahan namin kay Richard noong Miyerkoles ng tanghali nang magpatawag ito ng reunion para sa mga close nila ng kanyang dating manager na si Douglas Quijano, naibahagi nito ang ukol kay Juliana gayundin sa bagong karera, ang pagiging kongresista ng 4th district ng Leyte.

Pagsisimula ni Goma, ga-gradweyt na si Juliana sa kursong Public Administration sa University of the Philippines-Diliman at dahil pareho silang sa Maynila naglalagi, ito ang kasa-kasama niya sa Kongreso.

Nagsimula siyang mag-training sa akin sa Ormoc. Tapos dito, kinuha ko siya sa Congress,” ani Goma na naging mayor muna ng Ormoc mula 2016 hanggang 2022.

May pinapatrabaho ako kay Juliana kaya katu-katulong ko siya roon,” pagbabahagi ni Richard at buong pagmamalaking naitsika na madaling utusan ang kanyang dalaga.

Takbo nga ‘yan nang takbo. ‘Juliana, do this, ha? I-research mo ‘to.’ Si Juliana, she’s a leader by herself. Kasi, nakikita ko sa group of friends niya, eh. Nakikita ko, siya ang nagtitipon sa mga kaibigan niya,” kuwento pa ni Richard.

Achiever din si Juliana lalo sa sports. “Ayaw niyang natatalo siya. Training siya nang training. Gusto niya, nananalo.

“Sabi ko, ‘It doesn’t mean na ‘pag nagte-training ka, ikaw lagi ang mananalo.’ Maraming magaling na kailangan mong pag-aralan,” saad pa ng kongresista ukol sa kanyang anak.

Sinabi pa ni Goma na sabay silang pumapasok ng kanyang anak.

 “Pumapasok po ako mula Lunes hanggang Miyerkoles din at okey na boss si daddy,” kuwento naman ni Juliana nang matanong kung kumusta ang kanyang ama bilang boss.

Nang matanong kung sinusuwelduhan ba ni Richard ang anak, sagot nito, “isang platong kanin araw-araw! Ha ha ha, okey na ‘yun,” masayang sabi pa ni Richard ukol sa kanyang anak na hindi malayong sundan ang kanilang yapak sa politika pagdating ng araw.

Nasabi naman noon pa nina Richard at Lucy na susuportahan nila ang kanilang anak sakaling pasukin din nito ang politika.

Samantala, inamin ni Goma na totally different ang ginagawa niya ngayong kongresista na siya. “Ang mayor kasi very hands on, you really have to be where the action is, unlike rito sa Congress you think of laws that can be amended, laws that can be made, laws that can be beneficial doon sa district, ‘yun ang kaibahan,” sabi pa ni Richard na talaga namang kinakarir ang mga bagay-bagay maging mayor o kinatawan siya ng kanilang distrito.

Ukol naman sa pag-arte, sinabi nitong, “open ako gumawa kung kaya naman ng oras why not. Pwede ako makipag-radyo sa inyo, makipag-tv. Nakaka-miss talaga ang umarte kasi matagal-tagal na rin talaga akong hindi nakaarte kaya nga gumagawa ako ng vlog, para nakikita ng tao na I’m still doing things that I do, ibang genra lang,” sabi pa ni Richard na ang kinikita ng vlog ay inilalaan sa pagpapakain sa mga constituent niya o pantulong sa mga proyekto na para sa mga taga-Ormoc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …