SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KABI-KABILA ang mga picture na natanggap namin kahapon ukol sa unang araw nang pagpapalabas ng controversial film ng Viva Films, ang Maid in Malacanang na pinamalahaan ni Darryl Yap.
At para makumbinse kami na hindi fake ang mga picture, naghanap kami sa socmed ng mga post ng mga simpleng tao na nanood ng pelikulang pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz. At in fairness, pinilahan talaga. May mga picture pa ngang pinagkompara ang Maid in Malacanang at Katips ni Atty. Vince Tanada na sabay ang showing kahapon. May picture pang may madreng nakapila.
Ilan sa mga sinehang may pila ang Maid in Malacanang ang Robinsons Tacloban, Robinsons Malolos, SM Fairview, SM North EDSA at iba pa. May mga nagpa-interbyu pa na naiyak pagkatapos mapanood ang pelikula.
Sa kabilang banda, bago ang pagdagsa ng netizens sa mga sinehan, kaliwa’t kanan na ang kontrobersiyang kinakaharap ng pelikula. Ayon kay Direk Darryl, expected na niya na marami ang tutuligsa sa kanyang pelikula na tumatalakay sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang.
Aniya, “Well I’m expecting na every day we’ll see na sa kabila ng lahat ng intriga at maagang paninira ay malalaman natin ang kasaysayan na hindi binago bagkus binuo.
“I got all the research materials before elections, the only thing that we are waiting for is the result of the election. If President Bongbong will win. So that’s an indication with 31 million votes, that’s an overwhelming testament that the Filipino people are ready to hear the side of the Marcoses.”
Iginiit pa ng batang direktor na, “Walang ipinabago pero may mga pinatanggal. My script was very courageous. OA sa tapang.
“They wanted to stick to their trade of unity. They don’t want any friction or crash na already. So ‘yun, pinabait lang. Kung ako lang masusunod inilabas ko lahat,” sambit pa niya.
May mensahe naman si Direk Darryl sa mga hater niya at sa mga nangnenega at tumitira sa Maid In Malacañang. “Sa mga nagagalit sa akin, pumila kayo, mahaba ang pila. Magkita-kita tayo sa dulo ng linya.”