Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kitkat baby husband

Kitkat isinilang na si Baby Girl Uno

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAILUWAL na ng komedyanang si Kitkat Favia via caesarianang unang anak nila ng asawang si Waldy Fabia noong Martes.

Ibinahagi ni Kitkat ang picture nila ng kanilang baby girl, si Baby Girl Uno Asher noong Martes ng gabi. May caption iyong, “My life is COMPLETE Description: 💯Description: 🙏🏻 Thank you Lord for this greatest blessing. I praise, trust, honor, and love you, oh Lord Description: 🙏🏻 Baby Girl Uno Asher B. Favia Description: 💕Description: 💕Description: 💕.” 

Noong Pebrero ibinahagi ni Kitkat sa kanyang social media account ang ukol sa kanyang pagdadalantao. At noong Abril ay ini-announce nila ng kanyang asawa na babae ang magiging anak nila. 

July 4 naman ay biglaan ang nangyaring pagpapakasal nila sa Cainta City Hall.

Kuwento ni Kitkat, dapat sana’y mag-aayos lang sila ng papeles pero nagkasundo na silang magpakasal.

Hindi nga kami handa at ang mga suot lang naming damit ay simple. Pero ok lang at least bago lumabas si Baby Uno, may blessings na kami ni Lord,” kuwento sa amin ni Kitkat over the phone.

Kahapon isang post muli ang ibinahagi ni Kitkat ukol sa kanilang baby girl. “‘Yung super wala ka pang tulog kahit segundo at wala ka pang kain pero super all worth it! Kumpleto na talaga buhay ko sa maliit na pamilya ko…hello world daw sabi ni Baby Girl Uno Asher B Favia ko (heart emoji) definitely my mini me! Taas ng boses eh hahahaha pati kilay plakado!”

Sa mga bagong magulang, congratulations sa inyo, Kitkat and Walby. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …