Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Marco Gumabao

Marco laging natatanong kay Daniel, inggit nga ba?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PROUD at hindi inggit. Ito ang iginiit ni Marco Gumabao  sa story conference ng pelikulang gagawin nila ni Kylie Versoza sa Viva Films na pamamahalaan ni Jason Paul Laxamana, ang Baby Boy, Baby Girl.

Magkaibigan at magkasabayan sina Daniel at Marco kaya natatanong ito ukol sa kung hindi ba siya naiingit sa sikat na sikat na anak ni Karla Estrada.

Ani Marco madalas matanong sa kanya ito. At ang tugon niya, “I’ve been in the industry since 2012, and of course, marami na akong nakasabay, mga ka-batch and as you all know, barkada ko si Daniel.  

“I always get this question, lagi ko pong nakukuha ‘yung question na ‘to eversince before na parang ‘o, naiinggit ka ba sa mga kasabayan mo? Naiinggit ka ba kay Daniel?’ ganyan-ganyan.”

Iginiit ni Marco na hindi inggit ang nararamdaman niya sa pagsikat ni Daniel bagkus ay pagka-proud.

“For me, hindi po siya inggit, eh. It’s more of proud ka sa kaibigan mo dahil ang layo ng narating niya and at the same time, ginagamit mo ‘yun bilang inspirasyon or motivation. 

“Para kapag dumating ‘yung oras mo, pwede mong sabihin na parang ‘o, hintayin mo ‘ko riyan, papunta rin ako kung nasaan ka,’” sambit ni Marco.

Sinabi pa ng aktor na, “kasi kung titingnan mo siya in a way na nagseselos ka or naiinggit ka, ikaw ‘yung talo, eh, ‘di ba? Talo tayo lahat kapag tayo nainggit.

“So, let’s always look at things na kumbaga, ‘yun ang source of motivation or source of inspiration kasi kaya naman talaga nandiyan sila kung nasaan sila ngayon, to serve as inspiration to other people na nagsisimula pa lang.

“Kung maiinggit lahat ng tao sa kanila, walang mangyayari sa industriya natin. Kumbaga, lahat tayo, maghihilaan pababa.”

Idinagdag pa ni Marco na bawat isa ay may kanya-kanyang panahon para umalagwa ang career.

Samantala, isang sexy romantic-comedy film ang Baby Boy, Baby Girl na magsisimula na silang mag-lock-in taping next week. Kapareha nga niya si Kylie na maraming beses na niyang nakatrabaho. 

Ang Baby Boy, Baby Girl ay ukol sa nauuso ngayong raket sa online ng mga tinatawag na sugar babies. Kumbaga eh ito iyong upgraded version nang may mga DOM o matrona.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …