Thursday , December 26 2024
Maid in Malcanang cast

Cast at crew ng Maid in Malacanang nag-donate ng P500K sa nasalanta ng lindol  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang isinagawang red carpet premiere night ng Maid in Malacanang ng Viva Films sa Cinema 1-3 ng SM North EDSA The Block. Matagal-tagal na rin kasing hindi nangyayari ang ganoon ka-glamorosang pagtitipon dahil na rin sa ilang taong pandemic. Iba pa rin talaga makaranas ng mga ganoong kaganapan sa showbiz.

Nagningning talaga ang SM North EDSA The Block noong Biyernes dahil sa magagandang kasuotan mula sa mga cast ng Maid in Malacanang na nakadagdag din sa magandang ayos ng lugar. At dahil Filipiniana/formal ang imbitasyon rumampa ang lahat sa kani-kanilang bonggang kasuotan. Bagamat marami ang dumalo, lahat naman ay sumailalim sa antigen test kaya nakatitiyak na safe ang lahat.  

Pero sa totoo lang, nakaka-miss ang ganitong pagtitipon kaya hangad namin na sana’y ito na ang simula sa tuloy-tuloy na pagyabong ng showbiz industry.

Kapuri-puri ang mga kasuotan ng cast mula kay Ruffa Gutierrez na rumampa sa kanyang green Filipiniana gown, si Cristine Reyes sa kanyang white with red gown, at si Ella Cruz na mala-prinsesa sa kanyang kasuotan. SinaCesar Montano, Diego Loyzaga, Kiko Estrada, at Kyle Velino naman ay pawang mga naka-Barong.  Maging ang mag-amang Vic at Vincent del Rosario samantlaang si Sen Imee Marcos naman ay naka-purple and black formal outfit.

Hindi rin nagpahuli sa kanilang mga formal outfit sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo na may mahahalagang papel sa pelikula.

Nagpahayag naman si Sen Imee na ibibigay ang budget ng pagkain sa dapat sana ay may catering sa gabing iyon sa mga nawalan ng bahay at iba pang nangangailangan ng tulong sa Norte. Ito ay kaugnay ng nangyaring magniture 7 na lindol na sobrang naapektuhan ang Abra at Ilocos.

Paliwanag ng senadora, “Personal kong nasaksihan na maraming nawalan ng bahay at buhay sa pagbisita ko sa Ilocandia at Abra, kaya gagawin naming simple kaysa magarbo ang Premiere Night ng ‘Maid In Malacañang’ ngayong araw, July 29.

“Nagkasundo ang buong cast at crew na i-donate sa mga nasalanta ng lindol ang budget sa catering.

“Sana ay maunawaan ng mga manonood ang simpleng opening night ng aming pelikula.

Sapat na sa amin at ng aking pamilya na maipakita ang aming panig ng kuwento at kasaysayan.

“Mas mahalaga ngayon na matulungan ang mga kababayan natin na nasalanta ng lindol. Maraming salamat po.”

Nag-donate ang cast at crew ng P500,000 (budget sa catering) sa mga taga- Ilocandia at Abra.

Nakakuha ng PG classification mula sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Maid in Malacanang na idinirehe ni Darryl Yap para sa Viva Films. 

Tinalakay sa pelikula ang huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Palasyo.

Maraming dapat abangan na eksena rito, isa na ang confrontation scene ng mag-amang Cesar at Diego bilang sina dating Presidente Ferdinand Marcos at ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos gayundin ang heart to heart talk ng mag-amang Cristine na gumaganap bilang Imee at Cesar bilang si Macoy.

Ito ang unang pagsasama ng mag-ama at in fairness hindi nagpalamon si Diego sa galing ng pag-arte ni Cesar. Bongga ang eksena nila na talagang ang hahaba ng mga linya.

Mahusay si Cristine bilang Imee na hindi maipagkakailang pelikula niya ito. Kitang-kita rin sa pelikula na siya ang Papa’s girl at paboritong anak ng dating presidente. Lutang na lutang talaga siya sa kabuuan ng pelikula. Bongga rin ang eksena ni Ruffa (bilang First Lady Imelda Marcos) kasama ni Diego na siya namang paborito ng ina.

Binigyan ni Direk Darryl ng kanya-kanyang  moment para mag-shine ang lahat ng mga nagsiganap sa pelikula kasama na ang tatlong gumanap na katulong na sina Karla, Beverly, at Elizabeth. 

Nakaaantig naman ang pag-uusap nina Ella bilang si Irene at ni Cesar (Macoy) na inisa-isa ang magagandang nagawa ng ama sa bansang Pilipinas. Iginiit ni Irene na masama ang kanyang ama, matapang itong sundalo, at ang sakripisyong ginawa para mapaunlad ang bansa. Sinagot naman ito ni Macoy at sinabing lahat ng ginawa niya ay para sa mga tao at bansa.

Sa August 3 na ang playdate ng movie sa mga sinehan sa bansa at ipapalabas din ang Maid in Malacañang sa iba’t ibang parte ng Amerika, Canada, Japan, at Singapore simula August 12. Sa August 19 naman ito magsisimulang mapanood sa UAE.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …