Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Engagement

Arjo 1 taon pinaghandaan proposal kay Maine

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKIKILIG ang istorya ng paghahanda ng pagpo-propose ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza noong July 28, 2022 sa isang lugar na may illuminated white roses at mataas na lugar.

Bago ang July 28, matagal pinagplanuhan ng Congressman 1st District ng Quezon City ang ginawang pagpo-propose sa kanyang girlfriend for four years. isang taon to be exact. Nangyari ang proposal sa kanilang beach house sa Tali, Batangas.

Ang kuwento, titibagin na sana noon ang bahay sa naturang resort na pag-aari nilang magkakapatid. Subalit pinigil iyon ni Arjo dahil imposible nga namang maisagawa niya ang binabalak na proposal kung ongoing ang construction sa lugar.

Kaya nang ayain si Maine para magtungo sa lugar walang kaalam-alam ang dalaga sa balak ng kanyang BF. Ang akala raw ni Maine ay magpi-pictorial lamang sila para sa isang magazine.

Mula sa mga picture na ibinahagi sa social media, kitang-kita kung gaano pinaghandaan at inayusan ang lugar para sa proposal ng aktor/politiko. Napili ni Arjo ang lugar na iyon para nga naman mas masarap balik-balikan at ikuwento sa kanilang magiging anak na roon naganap ang proposal niya kay Maine. 

Samantala, hindi naitago ni Sylvia Sanchez ang kilig at naging emosyonal pa ito sa proposal ng kanyang anak. Ramdam na ramdam ang pagmamahal ni Sylvia kay Maine kung pagbabasehan ang mga litratong naglabasan na kuha sa engagement ng TV host-actress at ng kongresista.

Ani Sylvia mamahalin at aalagaan niya si Maine at ituturing na parang tunay na anak.

Ipinost pa ni Sylvia sa kanyang Instagram at FB account ang mga picture nila ni Maine na magkayakap kalakip ang mensaheng, “He asked Her and She said, YES!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine (heart emoji) Thank you for loving my son. Love you Nak (face blowing a kiss emojis)

I promise that I will take care and love you as my own Daughter (heart emoji). @arjoatayde @mainedcm #Armaine (heart emoji).

“Happy morning (woman dancing, man dancing, woman dancing emojis),” aniya pa.

Hindi na kami nagtataka sa reaksiyong ito ni Sylvia dahil noon pa man, very vocal ito sa amin ng pagsasabing boto siya kay Maine para sa kanyang anak dahil bukod sa mabait ang aktres, marespeto rin ito at walang kaarte-arte sa katawan.

Maging ang mga kapatid ni Arjo na sina Ria, Gela, at Xavi ay boto at kasundo si Maine.

Sa kabilang banda, may post din si Maine sa kanyang IG ukol sa kanilang engagement ni Arjo. Caption ng aktres sa kanyang post, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …