Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun NBI License to Own and Possess Firearm LTOPF

Sa Norzagaray, Bulacan
KELOT TIMBOG SA BOGA’T  BALA

ARESTADO ang isang lalaking matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng mga baril at sa ipinatupad na search warrant sa kanyang bahay sa Brgy. San Mateo, sa bayan ng  Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 29 Hulyo.

Ipinatupad ang search warrant dakong 7:40 am ng mga tauhan ng CIDG Bulacan katuwang ang Norzagaray MPS sa Sitio Compra, sa naturang barangay.

Ikinasa ang operasyon kaugnay sa “Paglalansag Omega” (Campaign against Loose Firarms) na nagresulta sa pagkakasukol sa suspek na kinilalang si Eduardo Rayo, alyas Eddie Boy.

Narekober sa isinagawang paghahalughog sa bahay ng suspek, isang unit na Para Ordinance Cal. 45 pistol; pitong piraso ng bala para sa Cal. 45 pistol; isang pirasong magazine assembly para sa Cal. 45 pistol; isang unit ng Cal. 38 revolver; limang pirasong bala para sa Cal. 38 revolver; at isang kahong walang laman para sa mga bala ng Cal. 22.

Inaalam ng mga awtoridad kung ang naarestong suspek ay miyembro ng grupong gun for hire o ano mang sindikato na kumikilos sa lalawigan.

Kasalukuyan nang nakadetine ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …