Friday , November 15 2024
road traffic accident

Nagulungan ng Montero
PASLIT DUROG ANG ULO

PATAY ang isang 3-anyos batang babae makaraang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) habang nakatayo sa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si  Raine Gabisan, residente sa Bisig ng Nayon St., Brgy. 4, ng nasabing lungsod sanhi ng grabeng malalim na tama sa ulo na halos ikinadurog nito.

               Agad sumuko ang suspek at driver na isang Mitsubishi Montero (NDF-6241) na kinilalang si  Josephine Garner, 29 anyos, isang call center agent at residente sa Block 6 Lot 6, Tanguile, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.

Batay sa ulat na nakarating sa opisina ng Caloocan Deputy Chief of Police P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, dakong 3:00 pm nang maganap ang insidente sa tapat ng isang basketball court na matatagpuan sa kanto ng Bisig ng Nayon St., ng nasabing barangay.

Nasa gilid umano ng kalsada ang batang babae nang biglang masagi ng Montero na minamaneho ni Garner dahilan upang maipit ang ulo ng batang babae.

Dahil dito nadurog ang ulo ni Raine nang masagi ng kaliwang unahang gulong ng sasakyan na ikinamatay nito.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang ama ng biktima, kinilalang si Resller Gabisan, 28 anyos, public utility vehicle (PUV) driver, ang tatayong complainant sa nasabing insidente para sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek na si Garner sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …