Friday , November 15 2024
navotas John Rey Tiangco

Mayor Tiangco sa Navoteños:  
LAGING HANDA SA MGA SAKUNA

PINAALALAHANAN ni Mayor John Rey Tiangco ang mga Navoteño na dapat ay laging nakahanda sa anomang sakuna.

“Being a coastal city, Navotas is vulnerable to natural disasters. We need to prepare and empower our people through continuous awareness and education campaign,” aniya sa ginanap na virtual forum entitled “Handa sa Sakuna.”

“While calamities are fearsome, being caught off guard is more terrifying. We may not know when a disaster will strike, but being prepared helps ensure that lives and properties will be saved,” aniya.

Ang forum na pinangunahan ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management (NCDRRM), ay isinagawa bilang selebrasyon ng National Disaster Resilience Month ngayong taon.

Kabilang sa mga resource speakers ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Geoscience and Disaster Risk Reduction Communication Specialist, Charmaine Villamil; Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Public information Unit’s Information and Science Officer, Bernard Punzalan; at Bureau of Fire Protection – Navotas Finance Unit Chief, SINSP. Glenn Mayugao.

“Aside from equipping our people with the knowledge on disaster preparedness and safety, we also strive to construct facilities and secure supplies and equipment necessary for effective disaster risk reduction and management,” ani Tiangco.

Kamakailan ay pinasinayaan din ng Navotas ang pinagandang central fire station na itinayo noong 1971. Ang station ay tumatanggap na ngayon ng apat na fire trucks. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …