Friday , November 22 2024
Vince Tañada Jerome Ponce Katips  

Direk Vince proud kay Jerome Ponce  

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

BUMILIB si Direk Vince Tanada sa ipinakitang kahusayan sa pag-arte ni Jerome Ponce sa pelikulang Katips

Kasi batang estudyante siya rito. Napakagaling ni Jerome bilang UP editor-in-chief. Napakaganda ng portrayal kasi although hindi siya from UP. Itinuro ko sa kanya ‘yung mga galawang student leader noong araw katulad ng inyong lingkod na ako ay student council president noong araw at ‘yung mga galawan namin sa kalye. Sinasabi nga may pagkaburgis pero marunong at alam ang mga kaganapan sa lipunan. Iyon ang ipinakita ni Jerome, napakagaling niya rito. Alam naman natin na teeny-bopper lang ‘yung mga ginagawa niyang pelikula pero ngayon malalim ‘yung kanyang portrayal at nominado pa siya sa FAMAS bilang Best Actor. Kaya ito ay tagumpay niya at tagumpay ko rin bilang direktor,” sabi ni Direk Vince nang makausap namin siya sa presscon ng Katips

Na-proud pa si Direk Vince dahil dati siyang mentor ni Jerome. Kaya ang aktor ang napili niya para gumanap bilang bidang si Greg.

Sapagkat isa ako sa mga nakadiskubre sa kanya. Sa akin siya unang nag-workshop noong siya ay 14 at nagsimula siya sa teatro sa akin, sa Philippine Stagers Foundation noong siya ay 15 years old pa lang. So, nakadalawang taon siya rito sa PhilStagers bago pa siya mag-ABS-CBN. Sinabi pa nga niya sa akin, ‘Direk, mapapasama yata ako sa teleserye.’ ‘Eh ‘di mabuti,’ sabi ko. Iyon pala ‘yung ‘Please Be Careful With My Heart.’ Sabi niya, ‘Mukhang hindi ko na kayang mag-theater kasi araw-araw na ang taping.’ Sabi ko, ‘Wag ka na munang mag-theater, mag-concentrate ka na riyan.’ Hanggang sa iyon na nga lumawig at humaba na ang kanyang career sa showbiz.”

Very happy din siya para kay Jerome na nakagawa ito ng pangalan sa showbiz at nakita niya ang improvement nito bilang aktor.

“Siyempre very proud ako kasi anak ko iyan eh. Ako ang nagturo sa kanya when he was 14. Nag-workshop siya sa akin ng three months at naging artista ko siya sa teatro for two years. So talagang iba kapag galing sa iyo at nakita mong nag-improve at gumaling. Sabi ko nga sa kanya, ‘Jerome, dati puro teeny bopper, ngayon ang lalim na ng hugot mo a.’ Lalong-lalo na noong nalaman niya na nagkaanak nga sila ni Nicole, ‘yung iyak niya, grabe ‘yung iyak niya. Sabi ko, ‘Ang galing mo na!’ At sinabi rin naman ni Jerome na first time na ganoon ‘yung role niya.”

Espesyal din para kay Direk Vince na siya pa ang gumanap bilang best friend ni Jerome sa Katips. Kasama rin nila sa pelikula sina Mon Confiado, Lou Veloso, Dexter Doria, Johnrey Rivas, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarrientos, Sachzna Laparan, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Carla Lim, at marami pang iba.

Bagama’t si Direk Vince ang itinanghal na Best Actor sa nakaraang 70th FAMAS Awards, gusto niyang ibahagi kay Jerome ang award. Si Direk Vince rin ang nanalong Best Director at ang Katips ay nagwaging Best Picture.

Produced by PhilStagers Films, ang Katips: The Movie ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa August 3, 2022.

About Glen Sibonga

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …