Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allan K

Allan K nanawagan: panloloko sa mga rider itigil

MA at PA
ni Rommel Placente

NANAWAGAN sa publiko si Allan K, isa sa host ng Eat Bulaga sa lahat ng gumagawa ng prank at fake booking. Aniya, tigilan na sana ng mga tao ang panloloko sa mga delivery riders na naghahanap-buhay ng marangal para sa kanilang pamilya, pero nagagawa pang lokohin.

Sinabi ito ni Allan sa segment ng EB na Bawal Judmental after marinig ang kuwento ni Rhic na isang delivery rider, na guest sa nasabing segment.

Ayon kasi kay Rhic, umabot sa P2,800 ang halaga ng inabonahan niya matapos mabiktima ng fake booking.

Kuwento niya, marami raw talagang nagpapa-book online pero pagdating nila sa lugar na nakalagay sa booking ay wala naman pala. Ang pinakamalayong lugar na napuntahan daw niya ay nasa 12 kilometro.

“Minsan talo po kasi kapag sobrang layo, traffic po. Sobrang nakakapagod po talaga. Kasi kailangan ko pong kumayod kasi nakaasa po ‘yung pamilya ko sa akin. ‘Yung lolo ko po kasi maysakit, may stage 4 cancer,” sabi ni Rhic.

Nakakaawa rin naman talaga minsan ang mga delivery rider.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …