Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Yasser Mata

Ysabel pinag-aagawan nina Miguel, Yasser

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT ngayon pa lamang magtatambal sa isang serye sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, kita agad ang chemistry sa kanila sa What We Could Be ng Quantum Films na mapapanood sa GMA 7 simula August 15.

Kaya naman puro tili at kilig ang naobserbahan namin sa mga kasabay naming nag-advance screening nito kamakailan sa Trinoma.

Malaking opportunity ang What We Could Be kay Ysabel na ngayon lamang nabigyang pagkakataong makapagbida kaya naman ganoon na lamang ang excitement nito. Bagay sa kanya ang karakter na ginagampanan sa serye na isang Nurse na nakapag-alaga ng isang masungit na lola na nang-aapi sa kanya. 

Si Miguel naman ay hindi na makukuwestiyon ang galing sa pag-arte dahil bata pa lang ay talagang nasabak na siya pag-arte na nakilala bilang si Pagaspas hanggang sa kilalanin ang galing sa Nino at mag-hit ang tambalan nila ni Bianca Umali sa Wish I May. Si Miguel naman ang apo ng lolang inaalagaan ni Ysabel.

Masaya rin si Miguel sa seryeng ito, dahil sa magandang opportunity na naibigay para kay Ysabel.

Aniya bago nagsimula ang special screening, “Excited ako dahil ngayon lang ako nakakuha ng ganitong klaseng role na medyo may dark past. At siyempre, excited ako para kay Ysabel. Kasi ito `yung first big role niya sa GMA.”

Kasama nila si Yasser Mata, ang kaagaw ni Miguel kay Ysabel.

Sa serye ay may isang eksena ang binata na tiyak na ikaloloka ng fans dahil humarap si Yasser na halos walang suot kay Ysabel. At sa kaguwapuhan ni Yasser tiyak na marami ang matutuwa sa eksenang iyon na ang sabi nga niya sa amin ay pinaghandaan niyang mabuti dahil pinaganda talaga niya ang kanyang katawan.

Sa kabilang banda inamin naman ni Yasser, na nakakaramdam siya ng kaunting inggit sa tuwing magkasama sina Miguel at Ysabel. Pero hindi niya masabi kung magdyowa na ang mga ito.

Well, ‘yan ang isa pa natin sa aabangan. Kaya tutukan sa GMA ang What We Could Be ng Quantum Films na magsisimula na sa August 15.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …