Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bayani Agbayani

Bayani nalait sa overtime comment

MA at PA
ni Rommel Placente

DEADMA lang si Bayani Agbayani sa ilang netizens na nag-react sa sinabi niya sa Tropang LOL na hindi sila nag-o-overtime. 

Na ayon sa iba, ay parinig niya ‘yun sa It’s Showtime, dahil nag-over time ito noong unang mapanood ito sa TV5, na ka-back-to-back ng show nila.

Inabot siya ng panlalait sa Twitter, pati ang kanilang programa na sinabing boring naman daw ito kaya tama lang na hindi sila mag-overtime. May nag-comment pang ibigay na lang daw sana sa It’s Showtime ang oras nila.

Pero ‘yun nga, ipinagkibit-balikat na lamang ‘yon ni Bayani at hindi na raw niya pinagpapapansin ang mga harsh comments laban sa kanya at sa LOL.

Sa text na ipinadala sa kanya ng PEP Troika ay hiningan siya ng reaksiyon pero ang reply niya, “Hindi na hahaha! Ilaan ko na lang sa pamilya ko ang oras ko. Masyadong maraming work ngayon, eh. Kaya ‘pag free ang time ko, masaya kami ng pamilya ko kahit dito lang sa bahay. Nag-scrabble kami, sobrang saya namin.”

O ‘di ba, wapakels si Bayani? Parang paki niya kung banatan man siya sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …