Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
52 Weeks Queenay Mercado Jin Macapagal

Queenay Mercado bibida sa 52 Weeks, kauna-unahang Tiktok series sa Pilipinas

MATAPOS ang matagumpay na paglulunsad ng digital series na GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes at Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na lubos na tinangkilik ng netizens, muling maglalabas ang Puregold ng isa na namang serye na tiyak magpapakilig sa mga manonood. Ito rin ang kauna-unahang Pinoy Tiktok series na pinamagatang 52 Weeks.

Ang 36-episode digital series ay idinirehe ni Lemuel Lorca at mula sa produksiyon ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig. Pagbibidahan ito ng Tiktok Superstar na si Queenay Mercado katambal ang It’s ShowtimeUltimate BidaMan winner na si Jin Macapagal. Makakasama rin nila ang mga baguhang aktor na sina Derick Lauchengco na itinanghal na Misters of Filipinas Second Prince at ang kilalang Influencer na si Herbie Cruz.

Super happy po ako na naging part ako ng series na ‘to,” pagbabahagi ni Queenay.

Knowing na ito po ang kauna-unahang Filipino Tiktok series, I feel honored po talaga to be cast as leading lady!” 

Laking pasasalamat ng dalaga dahil sa unang pagkakataon, siya ang bibida sa kauna-unahang Tiktok series na ilalabas sa bansa.

May mahigit 12.3 million followers si Queenay sa Tiktok. Inimbitahan niya na rin ang mga ito na panoorin ang bagong serye. “Para sa inyo po ang nakakikig na series na ito! Sana po manood kayong lahat at patuloy na sumuporta sa akin.”

Ang kuwento ng 52 Weeks ay ginanap sa mala-paraisong isla ng Cagbalete sa Mauban, Quezon. Gagampanan ni Queenay ang karakter ni Mina, 25, hopeless romantic na certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Nais ng mga kaibigan ni Mina na sina Eya at Chem na maranasan ng dalaga ang magka-lovelife kaya determinado ang dalawa na mahanapan siya ng potential boyfriend sa loob ng 364 na araw o 52 weeks.

Samantala ipinaliwanag ni Puregold President Vincent Co kung ano ang kanilang inspirasyon sa pagbuo ng Puregold Channel. “As online content continues to flourish, we want to further drive Puregold retailtainment and connect with customers, old and new.”

Dagdag pa ni Co, nais nilang makapaghatid ng aliw sa mga Filipino sa loob at labas ng Puregold stores sa pamamagitan ng makabagong paraan sa industriya ng media, “Puregold Channel is our platform for showcasing fresh and relevant stories. And launching this first-ever TikTok series in the country is another groundbreaking move that we’re proud of.”

Matagpuan kaya ni Mina ang pag-ibig sa loob lamang ng 52 weeks?! Abangan ang unang episiode nito sa Miyerkoles, July 27 sa opisyal na Tiktok channel ng @puregoldph. Para sa updates, i-follow na rin ang @puregold.shopping sa Facebook, @puregold_ph sa Instagram at Twitter. Siguraduhin ding naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …