Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis

Manay Lolit inilabas na ng ospital, pahinga muna sa online show

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Hulyo 17, Linggo ng madaling-araw, isinugod si Lolit Solis sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.

“Bandang 3:00 a.m., napansin ng kasama ko sa bahay na nag-i-slur ako,” sabi ni Manay Lolit sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal(PEP.ph).

Hindi raw nakapagsalita kaya dinala na sa ospital si Manay Lolit  Maraming gustong dumalaw kay Manay Lolit ang tinanggihan niya.

Paliwanag niya, “Naku, gustong-gusto ko silang dumalaw actually, ‘di ba?!

“Siyempre! Nata-touch nga ako roon sa mga nagte-text, nagpapadala ng message. Anong-ano talaga ako, talagang touched na touched ako.

“Pero pinapagalitan na ako ng doktor ko, ‘no?! Baka mamaya, ‘yung mga doktor ko, layasan na ako!

“Mamaya, nasa kalye na ako, wala nang gumagamot sa akin.

“Complete rest daw. Eh, siyempre dahil nga taga-showbiz naman tayo, sanay tayo ng tsuk-tsuk na ang dami-daming ano,” natatawang sambit pa ni Manay Lolit.

Kahapon inilabas na si Manay Lolit sa ospital at sinasabing mapapahinga na muna ito sa kanyang online show. Ibig sabihin, hindi muna siya mapapanood sa show nila ni Mr. Fu, pero ang pagpo-post sa kanyang Instagram ay hindi niya titigilan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …