Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Ogie Diaz

Elijah ibinida pagtataray sa kanya ng isang veteran actor

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKARANAS na pala si Elijah Canlas ng hindi magandang treatment mula sa isang veteran actor na nakatrabaho niya sa isang project. 

Natanong kasi ni Ogie Diaz si Elijah nang mag-guest ito sa kanilang Youtube channel ni Mama Loi na Showbiz Update, kung nakatikim na ito ng pagtataray mula sa isang artista. At ikinuwento ng binata na mayroon na nga mula sa isang veteran actor.

Ako, sa isang eksena mayroong isang artista sa tent po, ‘di ba lalaki at babae?Pagpunta ko roon sa tent nakalabas ‘yung upuan ko, nakalabas ‘yung bag ko.

“Sa isip ko, ‘anong nangyari?’  Pagkapasok ko ‘yung PA (personal assistant) lapit kaagad sa akin, ‘allergic si sir sa mga tao.’

“Ha? Allergic sa tao? Buti na lang pinag-stay ako sa girl’s tent. Pinalayas kami sa tent dahil allergic daw sa tao.

“Tapos makikita ko ‘yung mga article niya ngayon na (nagsasabing) ang kabataang artista walang respeto sa mga senior (actors). Eh, gusto kong sabihing, ‘ikaw ‘yun, eh,’” natatawang kuwento ni Elijah na halatang iritable.

Patuloy niya, “Eh, ikaw ‘tong pinalayas mo kami sa tent wala naman kaming ginawa sa ‘yo!”

Nasundan pa pala ang pagkainis ni Elijah sa veteran actor nang ikabit niya ang lapel niya sa dibdib at hinampas nito ang kamay niya. 

Ang sabi raw sa kanya, “Huwag mong ginagalaw ‘yan.’

“Gusto kong sagutin na, ‘ngayon ko pa nga lang inilalagay hindi ko ginagalaw kakalagay ko pa lang.’  Hindi ko alam kung anong galit niya sa buong set na ‘yun.

“Hindi ko po makalimutan ‘yun kasi at that time parang pasuko na ako niyon, eh. Nakatulong sa pag-quit ko na (sa show). Hindi ko na kasi gusto ‘yung nangyayari sa akin tapos ganito pa ‘yung treatment, so ‘wag na lang ako umarte.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …