MA at PA
ni Rommel Placente
MAY isang netizen na may username na @YesYesyo13 ang nag-tweet na i-boycot ang upcoming series ng ABS CBN na Darna, na bida si Jane de Leon. Ito ay dahil isa raw Kakampink si Jane.
Si dating VP Lenie Robredo kasi ang sinuportahan ni Jane noong nakaraang eleksiyon.
Tweet ni @YesYesyo13, published as is: “Guys, let’s give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET’S BOYCOTT DARNA!!”
May mga tagasuporta naman ni Jane ang nag-comment at ipinagtanggol ang aktres.
Sabi ng mga ito, parang isip-bata itong si yes,yes,yo. Porke’t daw ba Kakampink si Jane ay ipapa-boycot na nito ang Darna.
Sabi naman ng mga maka-Leni, i-boycot din daw ang Made In Malacanang kapag ipinalabas na ito. Ang nasabing pelikula ay tungkol sa 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Malacanang bago sila umalis noong 1986 papuntang Hawaii.