SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IBA talaga kapag live napapanood kumakanta at nagpapatawa ang mga tulad ng Beks Battalion dahil mas mabilis para sa kanila ang makapagbato ng mga katatawanang usapin.
Ito rin ang isa sa rason ng Beks Battalion o nina Chad Kinis, MC Mua, at Lassy na magkakaroon ng concert, ang Beks2Beks2Beks, na gaganapin sa New Frontier Theatre sa August 26.
“Siyempre nakaka-miss ‘yung marinig mo ‘yung tawanan ng mga tao kasi ang tagal naming hindi nakapag-perform ng harap- harapan‘yun ang nae-excite ako ng kaunti,” pagtatapat ni Lassy.
“Ako happy ako noong malaman kong face ot face (concert) kasi ang pinakamahirap na gawing comedy show is online. Kasi hindi mo naririnig ang audience unlike ‘yung nakikita mo ang audience, it will fuel you up. Mas magiging spontaneous ka, mas makaiisip ka kasi mas mararamdaman mong masaya ang tao kasi mas gagalingan at gaganahan ka,” sabi naman ni Chad na kaagad din silang nagtanong-tanong at nakipag-brainstorming pada sa kung ank pa ang pwede nilang maipakita na naiiba sa nagawa na nila online at sa Youtube nila.
“Pero lagi naman naming inaalam na ‘yung lahat ng strenght namin lalo na ‘yung mga script na ginagawa namin,” susog naman ni MC. “At siguro ang maganda sa aming beks isang tinginan lang alam na namin kung paano suportahan ang isa’t isa. ‘Yun ang maganda sa comedy may isang nagli-lead at may nagsu-support para havey lagi ang mga punch line.”
Hindi lang sina Chad, MC, at Lassy ang magbibigay-saya sa concert dahil sandamakmak ang celebrity guests nila tulad nina Vice Ganda, Ate Gay, Zeinab Harake, Jelai Andres, Budakhel, Katrina Velarde, Buboy Villar, Tonton, at Divine Tetay.
Anang tatlo lahat ng guests nila ay mga kaibigan nila at excited silang makasama lalo na ang YouTuber na si Zeinab na magpasabog sa concert gayundin si
Ate Gay na dati nilang kasamahan bago ito lumipat ng comedy bar.
Ani MC, 2009 pa nila huling naka-jamming si Ate Gay sa entablado.
“Si Ate Gay, siya mismo nagsabi, nabalitaan daw niya na magku-concert kami, so sabi niya, ‘hindi ko papalagpasin, dapat mag-guest ako riyan,” tsika ni MC.
Sinabi rin ni Ate Gay na tumatanaw siya ng utang na loob sa Beks Battalion dahil noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic, isa ang grupo sa mga hindi nagdamot ng tulong sa kanya.
Hindi naman nahirapan sina Chad, Lassy, at MC na kunin si Vice na bagamat busy ay kaagad ding um-oo sa kanila.
“‘Yung time na bago kami mag-US may pahapyaw-hapyaw na kami, pero feeling niya hindi kami seryosong nag-i-invite kasi last year noong nag-online concert kami naimbitahan na namin siya. So, sabi niya ‘iimbitahan n’yo ba ako uli or gusto n’yong manood na lang ako?’
“So noong nag-US kami roon ko kinomfirm na, ‘ate parang mas gusto namin na mag-guest ka,” kuwento ni MC.
“Pero pabibilhin namin siya ng tiket,” singit ni Chad habang natatawa.
“Dahil mayaman siya,” sabi pa ni MC
“Agad-agad sinabi niya ‘sige go ako riyan,” dagdag pa ni MC. “Sohindi naman kami nahirapan sa kanya tumayming lang kami. Sa lahat naman ng guest noong nagsabi kami na pwede sila mag-guest lahat sila automatic na nag-yes kasi nga kaibigan namin silang lahat.”