MA at PA
ni Rommel Placente
Samantala, kasama rin sa Tahan si JC Santos. Gumaganap siya rito bilang high school sweetheart ni Cloe.
Ayon sa binata, first time niyang nakatrabaho si Cloe pero si Jaclyn ay naka-work niya na before.
“Si Cloe, first time kong makatrabaho. I’ve worked with Miss Jaclyn Jose before sa ‘Magpakailanman,’ pero 2014 pa yun,” sabi ni JC.
Patuloy niya, “So, ngayon ko lang siya nakita ulit. And same, still respect the work and the presence and the work ethics.
“Si Cloe, I’m glad I worked with her, lalo na ‘yung team nila, ‘yung nagma-manage sa kanila, our producers.
“Kasi I really wanna work with them. Kasi bihira itong gumagawa ng ganito. I mean, they say it’s erotic, it’s sexy and bold.
“I think it’s brave. I’m glad na nakasama ako roon sa process nila. And Direk Bobby is crazy.Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa niya.
“Medyo intense itong ano niya. Kasi first time kong magkaroon ng ganitong psychological thriller.”
Si JC ay madalas mapanood sa mga serye ng ABS-CBN. Pero wala siyang kontrata rito. Feelance actor siya, kaya pwede siyang gumawa ng serye sa GMA 7.
“Of course! I wanna be a villain for Ruru Madrid or whoever, Dingdong Dantes, ‘di ba? Gusto ko silang makatrabaho, eh.
“Kasi lagi ko silang parang nakikita na lang sa events, hindi ko sila nakakatrabaho sa pelikula.
“At siyempre, hindi ko sila makakatrabaho sa ABS-CBN,” sabi pa ni JC.
Ang Tahan ay mapapanood sa Vivamax simula July 22, 2022. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.