Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paul Soriano Bongbong Marcos

Paul Soriano magdidirehe ng unang SONA ni PBBM

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ng naatasang magdirehe ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25.

“I am grateful and honored for this rare opportunity. Anytime the President needs me, I will deliver and do my best,” ani direk Paul sa panayam ng ABS-CBN at sinabing simple at traditional  ang gagawin niyang pagdidirehe.

“It will be simple and traditional and will focus on his message,” dagdag pa ng direktor.

Nagsimula na ang kanilang pagre-rehearse kasama ang Pangulo noong Linggo kasama ang  Radio Television Malacanang (RTVM). Makakatuwang ni direk Paul ang kanyang long-time creative collaborator na si Odie Flores, isang cinematographer.

Ani Direk Paul, “The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point.

“The real challenge is for the public to hear him well. After all, this is a two-way process where listening skills is important to hear his message,” anang direktor.

Sinabi pa ni direk Paul na  magiging mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols sa buong venue ng SONA na inaasahan ang pagdalo ng 1,300 katao.

Tiyak na ang pagkanta ng isang Ilocano choir group ng National Anthem sa unang SONA ni PBBM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …