Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray tatay bday money cake

Kiray nagpa-money cake ng P63K at alahas sa kanyang tatay

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Kiray Celis, huh! Noong ipagdiwang kasi ng kanyang ama ang ika-63rd birthday nito ay P63k ang iniregalo niya rito.

Ayon kay Kiray, handa siyang gastusan ang ama at ubusin ang kanyang savings mula sa pagtatrabaho bilang artista, para lang mapasaya ang kanyang mga magulang.

Idinaan pa ito ng komedyana sa pamamagitan ng isang money cake.
 

“Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cake sa inyo every birthday niyo ni mama, okay lang,” sabi sa caption ni Kiray sa in-upload niyang TikTok video.

“Sobrang thankful at blessed ako taon-taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama!” pahayag pa ni Kiray.

Bukod sa cash, niregaluhan din ni Kiray ng alahas ang kanyang ama.

Ang birthday wish naman ng tatay ni Kiray ay maayos na kalusugan para sa kanya at sa buo nilang pamilya, lalo na sa kanyang misis.

O, ‘di ba,  nakatutuwa si Kiray, isa siyang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.

Next year sa ika-64 kaarawan ng ama, siguradong p64k naman ang ireregalo rito ni Kiray.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …