Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

6 iba pa arestado sa Bulacan
MATINIK NA ESTAPADORA TIMBOG

Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng isang babaeng may kinakaharap na kasong estafa matapos madakip ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Hulyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsanib puwersa ang tracker team ng San Jose del Monte CPS, mga elemento ng 2nd PMFC Bul PPO, 301st MC RMFB-3, PHPT Bulacan at 3rd SOU-Maritime sa inilatag na manhunt operation laban sa suspek na kinilalang si Catherine Tamondong, residente ng Brgy. Gaya-Gaya, sa nabanggit na lungsod

Inaresto si Tamondong sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa BP 22 o Bouncing Check Law.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jose del Monte CPS ang suspek para sa nararapat na dokumentasyon bago i-turn over sa korte na nag-isyu ng warrant of arrest.

Gayundin sa ikinasang anti-drug buybust ng pulisya sa Brgy. Sta. Cruz II Area D sa lungsod, nadakip ang suspek na kinilalang si Roberto Bañez alyas Boyet, residente ng nasabing barangay kung saan nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Samantala, nasukol ang limang indibidwal na may paglabag sa batas sa pagresponde ng mga tauhan ng pulisya ng Guiguinto, Marilao, Plaridel at San Jose del Monte.

Kinilala ang mga nadakip na sina Alvin Ureta ng Brgy. Tuktukan, Guiguinto para sa kasong Arson; Jice Jice Bautista ng Brgy. Corazon, Calumpit para sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries; Edwin Caballero ng Brgy. Lambakin, Marilao para sa kasong Frustrated Homicide; Raymond Lascano alyas Negro ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte para sa Direct Assault at Resistance & Disobedience to an Agent of Person in Authority; at Jonard Borbe ng Brgy. Kaypian, San Jose del Monte para sa kasong  Frustrated Murder.

Inihahanda ng mga awtoridad ang naaangkop na mga kasong kriminal na nakatakdang isampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …