Tuesday , July 29 2025
dead baby

Nahulog at nalunod sa ilog
SANGGOL PATAY SA NAVOTAS

ISANG 12-buwang gulang na sanggol ang namatay nang mahulog at malunod sa ilog habang naglalaro sa plangganang may tubig sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Sa nakarating na ulat sa opisina ni Navotas City police chief P/Col Dexter Ollaging, naganap ang insidente dakong 11:20 am sa loob ng bahay ng biktima sa Tagumpay St., Brgy. Tanza 1 Kaliwa ngunit naiulat sa pulisya dakong 6:00 pm.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P/Cpl. Billy Godfrey Aparicio, habang naliligo at naglalaro sa plangganang may tubig ang biktimang si Elisha Isabelle Millar at ang nakatatanda niyang kapatid na babae nang mahulog sa ilog ang baby.

Nang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang ina ng biktima na si Rachel Zamora, 25 anyos, naglalaba sa labas, para kumuha ng ilang labada, napansin niyang nawawala ang kanyang bunsong anak kaya’t humingi siya ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Matapos ang masusing paghahanap, natagpuan ang baby sa ilalim ng tubig at sa kagustuhang mailigtas ang anak ay mabilis siyang isinugod ng kanyang ina sa Malabon City Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …