SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAIKUWENTO ni Direk Joey Reyes na na-eenjoy niya ang paggawa ngayon ng pelikula na ipinalalalabas sa streaming app tulad ng Vivamax pero hindi niya masasabing doon na patungo ang Pilipinas sa pagpapalabas ng mga pelikula sa streaming app.
Sa media conference ng pinamamahalaang serye ni Direk Joey, ang Katawang Lupa na may apat na episodes na ang unang episode ay mapapanood simula Sept 25, na “ang hirap sabihin na roon na nga tayo patungo. How I wish I could say na streaming is the ultimate solution, but it is not. Streaming kung titingnan mo ang kalagayan nito may mga problema rin, marami. Kasi ‘yung business na ito hindi pa pulido at hasang-hasa. But ang mga producer natin hindi pa rin lahat handa na pumunta sa streaming pero I’m a consultant in the other studio mayroon kaming four films in the can hindi namin alam ang gagawin kasi hindi namin mailagay sa sinehan, kasi wala eh.”
Sinabi pa ng direktor na, “‘pag inilagay namin sa sinehan talo ka eh, it will take time pa. This is hope against hope.”
Kaya naman umaasa si Direk Joey na magbabalik sa mga sinehan ang netizens sa darating na Metro Manila Film Festival.
“Ipinapanalangin na lang namin na sa MMFF bumalik ang mga tao na manood ng Filipino movies. Ang malaking katanungan lang is, are we economically equip to watch movies with the present crisis? Are they equip to watch Filipino movies with the prices we’ve offered although it sounds unfair na you pay a Hollywood movie much more than the Filipino movie. It doesn’t de minimis pero it make accessability sa merkado, sana may clear na solution.” anang direktor.
At ang solusyong nakikita ni Direk Joey ay ang tax holiday at ang pag-alis ng amusement tax.
“Ang solution diyan ay ang tax holiday kasi we are the most heavily tax movie in the world. ‘Pag binigyan tayo ng tax holiday hindi lamang Viva, Regal, Black Sheep, lahat pati ang mga indie film producers magkakaroon ng inclusive. At sana rin magkaroon ng himala, na pumayag alisin muna ang amusement tax ng mga LGUs o bawasan ang amusement tax… sa bawat P100 ang kita lang ng produ, P30, tapos nagbabayad pa siya ng VAT. Kaya kailangang kumita ng producer ng 3x doon sa kapital na ginamit niya. Ganyan ang istwasyon ng mainstream movies. Kaya saludo ako sa Vivamax dahil binibigyan nila ang lahat ng mga taong narito ng trabaho,” esplika pa ni direk Joey.
Sa kabilang banda, nagpahayag ng excitement si Direk Joey sa paggawa ng Katawang Lupa na pagbibidahan nina Janelle Tee, Migs Almendras, CJ Jaravata, Rolando Inocencio, Micaella Raz, Azi Acosta, Axel Torres, atGreg Hawkins dahilmatagalna niyang gustong gumawa ng crime story.
Esplika ng direktor, “I’ve always wanted to do another crime story. Kasi iba ang handling ng camera, iba ang handling ng basic. In other words, cinematically point of view in directing at saka putting it together iba-iba and I haven’t done that for the longest time. Actually I’ve just done it once.
“Ikalawa, I’m exploring the language of streaming kasi roon na tayo papunta eh. Importante na matutunan mo ang lengguwahe ng streaming at saka ‘yung dynamics ng streamings hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging ang pagbenta ng pelikula at kung anong uri ng kuwento ang pwede mong ilagay sa streaming.
“At ikatlo it gives me the opportunity to make stories which I cannot do before. Why ‘Katawang Lupa,’ because I always wanted to do a stories about equality, about people not being who they are. Matagal ko nang kuwento ito at alam ko na hindi ko magagawa sa mainstream. At kung ginawa ko namang indie ito, hindi ko rin magagawa nang tama. Tamang-tama namang dumating itong Vivamax at tinanong sa akin, tinanggap ko siya dahil sabi ko this is a nice opportunity. As I’ve said Vivamax opens new opportunities for stories which you cannot tell otherwise in any other platform. ‘Yun I’m very excited, extremely excited,” giit pa ng magaling na direktor.