BAKANTE sa kasalukuyan ang UFC lightweight championship pagkaraang sumalto sa official weigh-in si ex-champion Charles Oliveira. Dahil doon ay inaasahan na magkakaroon ng tsansa na magkaharap ang tinaguriang ‘Do Bronx’ laban sa No. 4-ranked title contender na si Islam Makhachev ngayong taon.
Mangyayari ang labang iyon kung hindi papapel si featherweight champion Alex Volkanovski.
Si Oliveira ay patungo sa kasikatan at sinasabing magiging kapalit ng retiradong titleholder Khabib Nurmagomedov bilang dominanteng kampeon sa UFC. Pero hindi kumbinsido ang 33-year-old na tinaguriang “Eagle” sa performance ni Oliveira.
“If Charles beats Makhachev, I truly believe that Khabib would return to avenge him,” pahayag ni dating American Kickboxing Academy (AKA) jiu jistu coach Leandro Vieira sa Sherdog.com.
Ang puntong iyon ay ibinase sa pagiging dikit na magkaibigan nina Makhachev at Khabib.
Pero pananaw naman ng mga eksperto na kung babalik si Khabib ay hindi para maghiganti kay Oliveira. Posibleng hangarin nito ang ikalawang world strap kung tatalunin niya ang isa pang magaling na kampeong si Israel Adesanya.
“Definitely Khabib has the recipe,” sabi ni Vieira. “He is technically and mentally superior to Adesanya. From what I’ve seen him doing in the academy, I have to agree with Ali (Abdelaziz).”
Sina Nurmagomedov at Makhachev ay parehong tubong Dagistan at nagtuturingan na parang magkapatid. Sa kasalukuyan ay kinukulit ng tinaguriang “The Eagle” si UFC President Dana White para pormal nang maikasa ang labang Oliveira at Makhachev. Pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang UFC.