MA at PA
ni Rommel Placente
SABI ng dating aktres na si G Toengi, nagmartsa siya sa EDSA People Power Revolution noong February 1986 sa edad na walo. Ito ay sagot at reaksiyon niya sa naging pahayag ni Ella Cruz na history is parang tsismis lang. Na gustong iparating ni G kay Ella, na totoo ang history dahil na-experince niyang sumama sa rally noon para patalsikin sa puwesto ang dating pangulo na si Ferdinand Edralin Marcos.
Pero may mga netizen na hindi naniniwala sa claim na ito ni G. May nabasa kasi silang lumang article tungkol sa kanya, na nakasulat doon na dumating siya sa Pilipinas mula sa New York, kasama ang ina sa edad na 15.
Sabi nila, extended daw ba sa New York ang Edsa Revolutrion kaya nakapag-martsa siya rooon sa edad na 8?
Sinagot ni G ang kanyang bashers. At tinawag niya itong mga tanga.
Sabi ni G, “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcfamily was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”
O ‘di ba, napikon si G?