Friday , November 15 2024
MMDA enforcer bugbog kuyog

Dalawa sa 10 suspek na nambugbog sa MMDA traffic enforcer sumuko

SUMUKO ang dalawang suspek na sinasabing sangkot sa pananakit sa isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nakapiit sa Pasay City Police Station ang suspek sa pambubugbog sa traffic enforcer ng MMDA na kinilalang si Asrap Paino.

Habang nasa pangangalaga ng Department of Social  Welfare (DSWD) ang isa pang suspek na menor de edad (16 anyos), parehong e-trike driver, nang sumuko sa pulisya ang dalawa na sinabing sangkot sa pambubugbog sa MMDA enforcer sa kanto ng EDSA at Taft avenues sa Pasay City nitong nakalipas na buwan.

Aminado si Paino, kasama siya sa nambugbog sa traffic enforcer na si Jose Zabala.

Paliwanag ni Paino, natagalan siyang sumuko dahil natatakot siya pero kalaunan ay nagpasyang pumunta sa mga awtoridad upang magkaroon ng peace of mind.

Umapela ang Pasay Police sa walong iba pang kabilang sa mga natukoy na pangalan na sumuko na rin upang hindi mabagabag ang kanilang pag-iisip at bumigat ang kanilang kasong kinakaharap. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …