Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Mikhail Red Mccoy de Leon Louise delos Reyes

Kahit choosy sa paggawa ng movie
NADINE NAPA-OO DAHIL KAY MIKHAIL RED  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIINTINDIHAN namin si Nadine Lustre kung ang naging basehan niya sa pagpayag na tanggapin ang Deleter ng Viva Films ay ang direktor nitong si Mikhail Red. Ako man, sobrang humanga sa batang direktor nang mapanood ko ang pelikula niyang Birdshot noong 2016 na pinagbidahan nina John Arcilla at Mary Joy Apostol. Ibang siyang direktor at talagang mahusay.

Sa story conference ng Deleter noong Lunes ng gabi sa Botejyu Estancia, inihayag ni Nadine na naging choosy siya sa pagtanggap ng pelikula. Pero nang i-offer ang Deleter na si Mikhail din at ang kapatid niyang si Nikolas ang nagsulat aba eh sinunggaban agad ng aktres.  

Rason ni Nadine, “Ayaw ko po kasi ‘yung jump scare lang tapos nakakatakot lang.  Sobrang nae-enjoy ko ‘yung pelikulang may back story.”

Gagampanan ni Nadine ang karakter ni  Lyra, isang online content moderator na naaatasang mag-filter ng graphic content na ibinabato sa kanya. Siya ang naging dahilan para mabura ang isang suicide video na ginawa ng kanyang co-worker.

Bukod sa pagiging choosy, gusto rin ni Nadine na natsa-challenge siya sa mga project na ginagawa niya,

“I always choose projects that are challenging kasi I want to challenge myself. Gusto ko po kasi ‘yung nahihirapan ako. Gusto ko po ‘yung nasa labas ako ng comfort zone ko kasi that’s growth.” 

Napag-alamin naming matatakukit si Nadine pero bagamat matatakutin eh, gustong-gusto naman niyang nanonood ng horror films dahil aniya gusto niyang tinatakot ang sarili niya.  

Magsisimula na ang shooting ng psychological thriller kasama sina Mccoy de Leon at Louise delos Reyes

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …