MA at PA
ni Rommel Placente
NANG pumutok ang balitang hiwalay na si Pokwang at ang American actor na si Lee O’Brian, isang netizen ang nagkomento na karma raw ito sa komedyana.
Ang netizen ay supporter ni Pangulong Bongbong Marcos. At kaya siya nakapag-comment ng ganoon kay Pokwang ay dahil magkaiba sila ng sinuportahang presidente noong nakaraang eleksiyon. Si Pokwang kasi ay isang Kakampink.
“kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkakaabalahan ang makipag-away sa mga pro marcos.karma ba yan @itspokwang27.” pagkutya ng netizen kay Pokwang.
Binuweltahan naman ni Pokwang ang kanyang basher. Ayon sa kanya, hindi raw ito karma kundi inihahanda siya para sa pagdating ng kanyang Mr. Right.
Sabi ni Pokwang published as it is, “hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!
“ikaw kapag namatayan kaba ng kamag anak mo karma agad? Bakit may pinatay ba ako? gaga ka?”
Hindi na sumagot pa ang netizen. Natakot siguro ito kay Pokwang.