Wednesday , May 7 2025
Connected Star Magic Movie

PBB alumni bibida sa unang sabak sa paggawa ng pelikula ng Star Magic

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASUWERTE ang ilang PBB alumni dahil napili sila para magbida sa unang pelikulang handog ng Star Magic bilang bahagi ng kanilang 30th anniversary. Ito ang unang pagsabak ng Star Magic sa paggawa ng pelikula kaya naman tiyak na lalo pang magniningning ang kanilang mga artista.

Ang unang pelikulang ipalalabas na simula Hulyo 22 ay ang Connected tampok ang ilang reality TV stars mula sa PBB tulad ang nina Amanda Zamora, Chico Alicaya, Gail Banawis, Ralph Malibunas, Kobie Brown, Andi Abaya, at Richard Juan. Youth-oriented ang tema ng pelikula na tatalakayin ang pag-ibig pati ang feeling ng pagiging ‘disconnected’ sa mundong laging connected dahil sa social media.  

Connected Star Magic Movie 2

Bibigyang buhay ng dating PBB housemates ang kuwento ng pitong kabataan na may kanya-kanyang personalidad, pero pawang naghahanap ng atensyon, misyon, at pagmamahal.

Magsisilbing katuparan ang Connected ng misyon ng Star Magic Studios na ipamalas ang talento ng kanilang mga artista. 

Pebrero 2022, isa ang Star Magic Studios sa inihayag ni Star Magic at ABS-CBN Entertainment Productionhead Laurenti Dyogi na planong pamunuan para sa ika-30 anibersaryo nito.  

Ang Connected din ang unang pelikula ni Theodore Boborol mula nang ipalabas ang  James & Pat & Davenoong 2020. Si Theodore rin ang direktor ng Vince & Kat & James, Finally Found Someone, at Just The Way You Are.

Paano nga ba pagtatagpuin ng tadhana at pag-ibig ang kanilang mga puso? Huwag palampasin ang Connected sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV video-on-demand, at SKY Cable pay-per-view distributed by Cine Express simula Hulyo 22. Abangan din ang mall shows ng cast ng Connected SM Las Pinas (July 16), Robinsons Antipolo (July 17), at Robinsons Las Pinas (July 23). Pwede ring tunghayan ng fans ang red carpet premiere ng pelikula sa July 21 sa (venue) o i-livestream ito sa Kumu.

Sa loob ng tatlong dekada, nagsilbing tahanan ang Star Magic na naghubog ng marami sa malalaki at nagniningning na pangalan sa Philippine entertainment. Sari-saring workshop ang isinasagawa nito upang mahasa ang iba-ibang talento ng mga artista na kanilang ginagabayan din para maging responsable, disiplinado, at may malasakit sa kapwa at mga adbokasiya tulad ng mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bibeth Orteza Ricky Davao Coney Reyes

Bibeth, Coney inalala pagbibigay ng rose ni Ricky na inutang pa sa tindero

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa Facebook account ang aktres at direktor na si Bibeth Orteza ng black …

Jimmy Bondoc Rodrigo Duterte

Kanta ni Jimmy Bondoc kay Digong nag-viral

RATED Rni Rommel Gonzales POPULAR na male singer na nagpasikat ng kantang Let Me Be The …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …