Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lunch Out Loud LoL It’s SHOWTIME

LOL at It’s SHOWTIME sanib-puwersa sa pagpapasaya 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIMULA Hulyo 16, Sabado, araw-araw na mabubusog sa saya at madadagdagan ng sigla ang buhay ng mga Filipino tuwing tanghali dahil sa back-to-back na pagpapalabas ng Lunch Out Loud at It’s SHOWTIME sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.   

Simula 11:00 a.m.-12:45 p.m. magbibigay saya na ang LOL na susundan ng It’s SHOWTIME pagsapit ng 12:45 p.m.-3:00 p.m.. Mae-enjoy ng tropang LOL sa Lunch Out Loud ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,”  limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog,” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang It’s SHOWTIME. Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Filipino sa Tawag ng Tanghalan. Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kuwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” atbp.  Ang masayang samahan at kulitan ng It’s SHOWTIME hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.       

Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Filipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …