Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie

KyChie magsasabog ng kilig at good vibes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TALAGANG nagkanya-kanya na sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Sa latest offering ng iWantTFC na Beach Bros, etsapuwera na ang tambalan ng KyCine sa paghahatid ng kilig at good vibes dahil ang makakasama ni Kyle ay ang dating PBB Kumunity celebrity edition housemate na si Chie Filomeno gayundin sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.

Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie Angelica Lao Kira Balinger Brent Manalo Beach Bros

Kaya ang KyChie na ang bibida sa unang iWantTFC original series na Beach Bros. Bago ang pagsasama ng KyChie, naging item na sila nang ilahad ni Chie na may crush siya sa fellow PBB housemate. Kaya posibleng hindi lang ito ang unang pagsasama ng dalawa kapag nag-click sila sa latest offering ng iWantTFC

Mapapanood nang libre ang feel-good serye sa Hulyo 16, na ang istorya ay tungkol sa guwapong binata na si Dave (Kyle) at ang barkada niyang kilala bilang “Baler Boys” na sina Billy, Jeremy, Jason, at Pete (Lance, Sean, Brent, at Raven). 

Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie Angelica Lao Kira Balinger Brent Manalo Beach Bros

You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may itinatagong feelings para sa kanyang best friend. 

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie), isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon. 

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatagong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat. 

Ang Beach Bros ay idinirehe ni Victor Villanueva at mapapanood nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula sa Hulyo 16. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …