Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Gerald Anderson

Bea never maiilang kapag nakita si Gerald

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Bea Alonzo kay Nelson Canlas, tinanong ng huli ang una na kung sakaling makakasalubong niya in one place or another ang isa sa kanyang ex-boyfriends, ay handa ba siyang harapin ito na hindi niya iiwasan. Ang sagot ni Bea ay wala naman siyang ginawang masama para ma-bother kung sakali ngang magkita sila ng ex-boyfriend.

Sabi ni Bea, “I will just hold my head up high kasi ako ‘yung walang ginawang masama.

“And just, you know, walk straight, I guess, kasi hindi ikaw ‘yung maiilang kasi ikaw ‘yung walang bagahe sa konsensya mo, eh.”

Pero hindi siya maghe-hello rito dahil hindi naman sila magkaibigan.

Hindi pinangalanan nina Bea at Nelson kung sino ang ex-boyfriend na sinasabi sa interview.

Pero  obvious naman sa naging pahayag ni Bea na si Gerald Anderson ang tinutukoy niya. Hindi kasi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa.

At sinabi niya rin sa isa pang interview niya before, na okey lang na makatrabaho niya ang ex na si Zanjoe Marudo, pero ‘yung isa ay hindi. Hindi man pinangalanan ni Bea kung sino ang tinutukoy niya, marami namang nagsasabi na si Gerald ‘yun.

Mukhang galit pa rin talaga si Bea kay Gerald, huh! Pero sana kalimutan  niya na ang galit niya sa dating minamahal dahil masaya na naman siya sa piling ng boyfriend na si Dominique Roque, ‘di ba? Ipakita niya na hindi siya apektado sa paghihiwalay nila noon ni Gerald.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …