MA at PA
ni Rommel Placente
SA isa sa post ni Aiko Melendez sa kanyang FB account, ay sinabi niya na may nag-message sa kanya na sinabihan siya na maganda ang pagkakagawa ng ilong niya. Na parang pinalalabas nito na retokado ang ilong ng award-winning actress.
Pero sinagot ito ni Aiko with matching picture niya before, na maganda at matangos na ang kanyang ilong, at ng picture niya ngayon, para ipakita na pareho ang ilong niya then and now. Na hindi niya ito pinagawa.
Post ni AIko published as it is, “Me nag message sa akin Ms Aiko maganda pagkakagawa ng ilong mo po. Sino po doctor papagawa ko po sakto ganyan po. Gusto ko mahulog sa upuan ko. Hahahaha! Ka level ba ito ng lagi sinasabi ni mader Ogie Diaz sa akin manager ko na kapag me post ako na picture , Aiks anong beauty app yan Cge na nga pakita ko before and after picture ko ”