Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nic Galano

Newbie singer Nic Galano desididong magkapangalan sa showbiz

ni Glen P. Sibonga

MASAYANG hinarap ng baguhang singer na si Nic Galano ang press kahit na aminado siyang kinabahan noong una dahil solo presscon niya iyon hindi tulad noong unang i-launch sila na kasama niya ang co-artists niya sa ARTalent Management.

Medyo nakaka-pressure nga po kasi solo ako ngayon, ako lang po ‘yung tinatanong kasama po ang manager ko na si Doc Art (Cruzada). Kinabahan po ako noong una kung ano po ‘yung itatanong sa akin. Pero salamat po sa inyong mga press kasi naging mabait po kayo sa akin kaya naging komportable na rin po ako sa pagsagot kahit na medyo matipid pa rin po ang mga sagot ko,” nakangiting sabi sa amin ni Nic.

Pero ang kahanga-hanga kay Nic kahit na napakamahiyain niya at simple kapag kinakausap, kakaibang Nic naman ang mapapanood mo kapag kumakanta at nagpe-perform na siya. Tanggal ang hiya at bigay-todo ang performance niya. Lumalabas talaga ang husay niya sa pagkanta. Magaling din siyang kumonekta sa audience lalo na pagdating sa eye-to-eye contact sa mga manonood. Very charming pa.

Ayon kay Nic, binabawasan na niya ang pagiging mahiyain dahil desidido siyang magkaroon ng pangalan sa showbiz lalo na sa larangan ng pagkanta.

Kasi po kailangan kong humarap sa maraming tao at kailangang kong makipag-interact. Siguro po unti-unti ay masasanay din po ako. Ayoko po kasing sayangin ang opportunity na ito para makilala ako sa showbiz bilang magaling na singer at performer.”

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Nic sa kanyang manager at sa lahat ng bumubuo sa ARTalent Management sa pag-aalaga sa kanya.

Kay Doc Art na napakabait sa akin, thank you very much po. Marami po siyang plano hindi lang sa akin kundi sa iba pang artists ng ARTalent. Mahal ka po namin. 

Nagpapasalamat po ako na napasama ako rito sa ARTalent. Naniniwala po ako na matutulungan ako ni Doc Art sa aking music career. At matutulungan din niya ako sa aking physical appearance at personality,” ani Nic.

Bukod sa pagiging singer ay composer din si Nic. Sa katunayan, nai-perform na niya ang sarili niyang komposisyong Tayong Dalawa nang mag-guest siya sa programang Letters and Music ng NET25.

Gusto ring pasukin ni Nic ang pag-arte kung mabibigyan ng pagkakataon. At ang gusto niyang makapareha sa isang project ay si Catriona Gray.

Samantala, naghahanda na si Nic para sa kanyang kauna-unahang concert na gaganaping sa Music Box sa August 11. Siyempre makakasama niya ang iba pang ARTalent artists na sina Dene Gomez at Trinity Band plus surprise guests.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …