Sunday , November 24 2024
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Integridad at kakayahan kailangan sa Bangsamoro Transition Authority

KUNG gagamitin ni President Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang poder sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL), mas makabubuting sa BARMM magbuo ng screening committee upang siguruhin na ang lahat ng 80 itatalaga bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay base sa kakayahan at integridad.

Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman kailangang kilatising mabuti ang mga uupo rito.

“Nais natin masiguro na ang mga uupo sa susunod na BTA ay may sapat at angkop na kakayahan para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng Bangsamoro at ng mamamayan nito. Kaya ang aking mungkahi: masusing kilatisin ang sinumang maa-appoint dito,” ani Hataman na dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“And I suggest that this be done by a panel of equally competent personalities who can vet candidates for the BTA appointments independently, free of any political influence. We just have to make sure that those who will be appointed will really perform the mandate of his or her office,” aniya.

Ayon sa BOL, may 80 miyembro ang BTA na pipiliin ng pangulo. Ang mga miyembro nito ay maninilbihan sa tungkulin hanggang katapusan ng 2022.

Ngunit binago ito ng ika-18 Kongreso sa Republic Act No. 11593 at pinalawig ang panahon hangang 2025.

Ayon sa batas may kapangyarihan ang pangulo na mag-appoint ng mga miyembro ng BTA.

Ani Hataman  “equitable representation” ang nararapat gaya sa pag-appoint sa mga miyembro ng BTA sa kadahilanang lahat ng sektor ay dapat may kinatawan dito.

“Kailangan natin siguraduhin na walang madedehado. There should be equitable distributions of seats. Hindi lamang ito BARMM ng iilan. Ito ay pamahalaan ng lahat ng nasa Bangsamoro,” anang mambabatas ng Basilan. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …