Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eduard Folayang Eddie Alvarez

Eduard Folayang gusto ng rematch kay Eddie Alvarez

SINABI ni Filipino superstar Eduard Folayang na meron silang ‘unfinished business’ ni Eddie Alvarez kaya nararapat lang na magkaroon sila ng rematch.

Ang dalawang mixed martial arts legends ay nagkaharap na sa ONE: Dawn of Heroes na nagwagi si Alvarez via first-round submission  sa harap mismo ng Filipino fans nung Agosto 2019.

Sa naging laban nila ay parehong nagpakita ng perpektong lakas ang dalawang fighters.  Nagpaulan ng mababagsik na  sipa  si Folayang, samantalang si Alvarez ay nagpamalas ng kakayahan sa grappling.

Sinabi ni Folayang na ang magiging  rematch nila ni Alvarez ay may lakip na intriga para sa mga manonood at umaasa siya na ang ikalawang paghaharap nila ay  dapat mangyari sa lalong madaling panahon.

“Of course, that’s a great opportunity for me, it’s a great fight if that happens. It would be awesome if Alvarez vs. Folayang II does happen especially on my part. I really feel that I could’ve done something more in our previous fight.”

Sa una nilang sagupaan, nagbunyi ang Mall of Asia crowd sa unang minuto ng laban nang tamaan niya ng matinding leg kick ang dating Bellator at UFC lightweight champion  na nagpabagsak sa mat.

Sinamantala ni Folayang ang pagbagsak ni Alvarez  at inatake niya ito sa ground.  Pero iyon ang isang malaking pagkakamali ng Pinoy fighter dahil nakasalba sa alanganing posisyon ang kalaban at nagawa nitong makaibabaw at maiba ang takbo ng istorya nang siya naman ang nasakal nito para tapusin ang laban.

Inamin ni Folayang na nagkamali siya sa unang laban nila ni Alvarez, at iyon ang gustong burahin at iwasto ng dating ONE Lightweight World Champion

“It wasn’t the outcome that I wanted. We all know that we all make mistakes in life. Even a small error could lead to disaster. That’s why I’m willing that Alvarez vs. Folayang II does happen,”   pahayag ni Folayang.

Ipinangangako ng 38-year-old na Pinoy fighter na sasalang siya sa mas matinding ensayo kumpara sa naging preparasyon niya sa una nilang paghaharap kung makukuha niya ang rematch laban sa American legend.

“I feel that I have to drastically improve my striking and undergo an intense training camp if that fight with Eddie eventually happens,” sabi ni  Folayang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …