Saturday , November 16 2024
arrest, posas, fingerprints

2 miyembro ng akyat-bahay gang nasakote

WALANG KAWALA ang dalawang hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang nang masukol at maaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 6 Hulyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, napag-alamang dakong 1:00 am nang nakatanggap ng tawag ang Malolos CPS sa naganap na nakawan na kagagawan ng notoryus na grupong akyat-bahay sa isang subdibisyon sa Brgy. Sumapang Matanda, sa nabanggit na lungsod.

Bilang tugon, agad ikinasa ng mga operatiba ang isang hot pursuit operation para sa pagtunton at pagdakip sa mga suspek na sinasabing hindi pa nakalalayo sa lugar.

Katuwang ang mga opisyal at mga tanod ng Brgy. Bangkal, nadakip ang mga suspek na sina Julius Ryan Lobordio, 23 anyos, residente ng Brgy. Bangkal, Malolos; at Julius Ryan Ignacio, 20 anyos, residente ng Brgy. Sta. Clara, Guiguinto.

Sa isinagawang follow-up operation, narekober ang mga gamit ng mga biktima na tinangay ng mga suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …