Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Walang suot na facemask
MISTER TIMBOG SA SHABU

KULONG ang 44-anyos mister matapos makuhaan ng shabu na tinangkang lunukin makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang suspek na si Benjamin Cabintoy,  residente sa Diam St., Brgy. Gen T De Leon, Valenzuela City.

Ayon kay Mina, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation at patrolling ang mga tauhan ng Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 sa Apple Ville, Brgy. 162, Caloocan City, dakong 12:30 am, nang makita ang suspek na walang suot na face mask habang gumagala sa lugar.

Nang lapitan at hinanapan ng kanyang identification ay tinangkang tumakas ng suspek subalit, nagawa siyang makorner ng mga pulis at inaresto dahil sa paglabag sa Art 151 of the RPC.

Nakuha sa suspek ang tinangka niyang lunuking transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, nasa P2,448 ang halaga.

Kinasuhan ng pulisya ang suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.  (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …