Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Tatlong bilang ng pangmomolestiya
WANTED NA MISTER NALAMBAT

BAKAL na kulungan ang hinihimas ng isang mister na wanted sa tatlong bilang ng kasong pangmomolestiya matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya ng Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado na si Lucio O, Jr, 47 anyos, residente sa E. Tuazon St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Ani Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon mula sa isang impormante na naispatan ang akusado sa kanilang lugar kaya agad silang bumuo ng team.

Kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 3, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS na nagresulta sa pagkakaresto sa akusado dakong 2:25 ng hapon sa E. Tuazon Street.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia B. Parallag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 Family Court ng Navotas City sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Sec. 5 (B) of RA 7610 (3 counts). (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …