Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Sa 57 gramo ng shabu
3 LALAKI, HULI

MAHIGIT 57 gramo ng shabu, aabot sa P393,516 halaga ang nakompiska ng pulisya sa tatlong lalaki, kabilang ang isang high value individual (HVI), sa magkahiwalay na buy-bust operation Linggo ng madaling araw sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.

Nadakip ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot si Manuel Lacanilao, 37 ng Brgy. Bagumbayan South, Navotas City matapos pagbentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P300.00 ang isang tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong 3:30 am sa kanto ng C-4 Road at Leoño St. sa Brgy Tañong sa naturang lungsod.

Nakuha kay Lacanilao ng mga operatiba ng SDEU ang halos 3.17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P21,556 at ang markadong tatlong piraso ng tig-P100 piso.

Kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga ang isasampa ng pulisya kay Lacanilao sa piskalya ng Malabon.

Nauna rito’y nadakip sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina si Ricardo Dela Cruz, Jr., 46 anyos, dakong 1:30 ng madaling araw sa aktong nagbebenta ng shabu sa nakatakas niyang kliyente sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. 177 Maligaya Park habang 1:40 am naman ng mahuli si Mario Ramirez, 45, malapit sa kanilang tirahan sa Intan St., Brgy. 153, Bagong Barrio West dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Bago pa man maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) si Ramirez ay biglang kumaripas ng takbo patakas na dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa madakip.

Ayon kay Col. Mina, si Dela Cruz, kabilang sa high value individual (HVI) ay nakuhaan ng humigit kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 340,000

habang nakuha kay Ramirez ang humigit-kumulang 4.7 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P 31,960.00

Si Ramirez ay nahaharap sa patong-patong na kasong paglabag sa ordinansa kaugnay ng hindi pagsusuot ng face mask, disobedience to a person in authority, at possession of dangerous drug; habang paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban kay Dela Cruz sa piskalya ng Caloocan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …