Monday , December 23 2024
Alfred Vargas Family

Rep Alfred Vargas sulit ang pag-iwan sa showbiz

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EMOSYONAL ang pagbibigay-pugay ni Quezon City Rep Alfred Vargas sa kanyang mga constituent sa 5th district ng Quezon City sa State of the District Address (SODA) niya bilang hudyat ng pagtatapos ng kanyang three term tenure.

Binalikan ng dating kongresista ang naging journey niya bilang legislator at ang mga nagawa niya sa tatlong termino niya sa Kongreso para sa kanyang mga constituent.

Mula nang iwan niya ang mundo ng showbiz para magsilbi sa mga kababayan niya sa Quezon City ay napakarami nang nagbago sa kanyang personal na buhay at sa napili niyang karera.

Kahit na ilang taon na ang lumipas, sariwa pa rin sa isip niya ang kanyang “humble beginnings” sa politika bilang “actor-turned-bagito councilor” sa Quezon City Council noong 2010.

Maayos at very promising naman ang ating buhay noon sa pelikula at telebisyon. Ngunit sa pinakamahirap na desisyon ng aking buhay noon, lahat ng ito ay ating tinalikuran dahil mas mahal natin ang ating bansa kaysa sarili at personal nating mga pangarap,” ani Alfred.

Iginiit din niya ang kanyang  paniniwala sa kasabihang, “Bayan bago sarili.”

Malinaw sa akin ‘yan noon pa man. Kaya iniwan natin ang showbiz para sa paglilingkod sa kapwa. At dito nagsimulang mas maging makabuluhan ang aking buhay,” anang aktor.

Bilang councilor noon, isa sa mga nagawa niya ay ang pagpapatayo ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

At bilang first Representative ng Fifth District (14 barangay sa Novaliches) mula noong 2013, nakapagpasa na siya ng 1,256 house bills and resolutions, at 87 dito ay naisabatas na.

Dahil sa kanyang mga nagawa bilang mambabatas at public servant, binigyan siya ng Congressional Medal of Distinction sa naganap na “adjournment of the 18th Congress.”

Sinabi pa ni Alfred, “Sa kabila ng dami ng napagpunyagian natin sa Kongreso, kahit sandali ay hindi natin nagawang talikuran ang mga tungkulin para sa ating distrito.”

At ngayong nagbabalik na siya bilang miyembro ng Quezon City Council, tiniyak niya sa kanyang mga constituent na lahat ng nasimulan niya ay ipagpapatuloy ng kanyang kapatid na si Representative-elect PM Vargas.

Sa pagtatapos ng ating termino bilang kauna-unahang congressman ninyo, kampante ako na lalo nating patitibayin ang nabuo nating samahan. Nasa mabuting kamay ang ating distrito kay Congressman-elect PM Vargas,” aniya pa.

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya sa kanyanf huling SODA ang asawang si Yasmine at mga anak na sina Alexandra, Aryana, at Cristiano.

Sa harap ng buong Distrito ngayon, gusto kong sabihin sa inyong lahat na si Yasmine ang isa sa mga haligi ng aking pagkatao at nagbigay sa akin ng lakas nitong buong 12 years para makapaglingkod nang tapat at masigasig sa inyong lahat,” sambit pa ni Alfred na maganda rin ang naging aksyon sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Mensahe pa niya sa kanyang mga nasasakupan at sa lahat ng mga Filipino, “Help others along the way. Sa ganitong paraan, kung tayong lahat na mamamayan ay gagawin ito, magiging mas kaaya-aya ang ating mundo. Yan ang tatak Novalenyo.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …